top of page
Dear Educators and Learners,

Welcome to the NCCA Values Program

Celebrate the cherished values of the Filipino with stories that speak of our heart and soul, stories that capture our imagination through our featured films.  

HSS.jpg
FA Poster 1_edited.jpg
HENERAL TUNA.jpg
Project Destination.jpg
Sine Halaga Guro Club Presents.jpg
SINE HALAGA 2022 HEADER.jpg
FA Poster 1.jpg

NCCA STUDY ON FILIPINO VALUES

Isang Paglalagom (A Primer)

Para saan ba ang pananaliksik na ito?

 

Bilang bahagi ng Filipino Values Formation Program ng gobyerno, isinagawa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pananaliksik na ito na implementasyon ng Philippine Development Plan (PDP) Chapter 7, “the inculcation of values to promote the common good.” Nilalayon ng pananaliksik na ito na patatagin ang lipunang Filipino sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga value ng Filipino at ang pagpapalaganap nito. Kasama rito ang paggamit ng mga institusyong pang-edukasyon upang ipakilala sa madla ang values na natukoy ng pananaliksik na ito.

 

Sa pagtutulungan ng NCCA at NEDA, tinanong ang ilang mga Filipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas ng isang tanong: “Ano ang mahalaga para sa mga Filipino?” Bahagi ng pananaliksik na ito ang pagpapaliwanag ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang nasabing mga value. Ang mga value na natukoy ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagsulong ng AmBisyon Natin 2040. 

bottom of page